To my Claire,

Nagkakakilala tayo in the middle of June dito sa Monsters’ University. Honestly, na i-intimidate talaga ako sa’yo nun kaya hindi ako medyo nakikipaginteract sa’yo at first. Una ata tayong naginteract ay sa timeline pero nakalimutan ko kung anong tweet amp hahaha. Tapos nag DM ka sa’kin, pero hindi ko talaga alam kung paano makikipagusap sa’yo nun tapos nakatulog rin ako, I’m sorry.

It all started nung nagtweet ako ng “send header” kasi wala akong mahanap na header nun hahaha tapos tinatamad ako maghanap. Nagreply ka ng something about layout nalang kaya, tapos boom, matching layout na hahaha. Pagkatapos mong mag-edit ng layout, pinapili mo’ko kung anong header gusto ko hahaha. Naalala ko pa yung convo natin, syempre ikaw pinili ko.

Naging tropa tayo dun, tapos onting-onti na kita nagugustuhan. “Crush ko pala yung girl in the pink jacket” hahaha kiligin ka sana. Ang ingay natin sa timeline , todo banat at harot hahaha. Hindi ko talaga makalimutan yung knock knock joke mo at yung “hayst” compilation din amp hahaha. It was good when it lasted until nagclose na ‘tong mundo. I’m still thankful na sumali ako, dito kasi kita nakilala ih, thankful din ako sa ka tamaran kong maghanap ng header hahaha. I love you most, bub.

Love, your Austin


To my Julia,

Dito tayo mas naging open sa isa’t isa. Sa Belle Epoque na ang saya ng head magbigay ng parusa. Kung saang black and white yung icons natin hahaha ano dun? May patay? Dejk hahaha. Dito tayo naging official, nainis pa din ako amp. Naalala ko pa rin yung Werewolf na tayong dalawa yung nanalo hahaha.

Sa mundong halos tayong dalawa lang nagingay sa umaga. Shy ata sila, pero ako shy-o lang talaga yietlog hahaha. Dito yung first “meow” ko sa tl diba? “May blessing na kayo mula sa akin. Humayo’t magparami. Amen.” awit ni head hahahaha. Nagclose din naman ‘tong mundo na ‘to, kahit ang liit lang ng memories na nangyari dito, I will still treasure it.

Love, your Felix


To my Nyx,

Sa Hotel Transylvannia. Ang liit lang ng moments natin dito. Tamang daldal lang sa timeline hahaha. Hindi pa nga kita na flex ih hayst. Ang tahimik din natin lahat. Nag LuQi tayo dito, ang cute diba? Sayang naman nagclose din itong mundo na ‘to. I will treasure our memories here, no matter how little.

Love, your Sam


To my Zarina,

Uy Ethereal University, uy na hot seat hahaha. Ganyan ba tayo ka halata na magjowa? Hindi naman ata ako harot ng harot dun ah. Baka nahalata sa pagdaldal natin? O baka dahil nag Mark at Mina tayo? O baka ang halata lang talaga na gustong kita, na mahal na mahal kita hahaha. I don’t have any conplaints though. Mabuti naman na alam nila na sa’yo lang ako at sakin ka lang, hm?

Tapos naging IA na ako sa mundong ‘to at umalis. Alam mo naman yan, sa’yo nga ako unang nagpaalam ih, kaso hindi ako nagpaalam sa iba heh. Akala nila na iniwan kita dun amp. No. Never. Nope. Hindi kita iiwan, pangako yan. Nag mukha tuloy akong bad guy dun hayst. Ayos lang hahaha, at the end of the day, gabi na dejk hahaha. Atleast, at the end of the day, sa’yo pa rin ako, and sakin ka pa rin, sapat na yan para sakin.

Love, your Caiden


To my Juliet,

Ridgeworth School for Humanities, naks naman, boarding school. Daming english dito, dumudugo ilong ko hahaha. Juliet, Juliet, Juliet; si Juliet at ang kanyang Romeo, si Romeo at ang kanyang Juliet. Pasensya na bub, mahilig talaga sa ganyan jowa mo hahaha.

Hindi ata tayo ganyan ka daldal sa tl. Hmm, ano pa ba hahaha. Ay ano, yung ten days na dating ban nila, yung reaction mo hahaha. Hindi din tayo nagtagal dito, umalis din naman. Natawa nga ako nun ih hahaha, sabay silang nagpost ng something about i-unfollow o i-softblock tayo hahaha. Romeo and Juliet talaga hahaha. You will always be my Juliet and I will always be your Romeo, kahit hindi yan yung pangalan natin hahaha. Mwa!

Love, your Romeo


To my Shuhua,

Hi Bub! Hogwarts School for Witchcraft and Wizardry. Naks, witch at wizard pala tayo. Sige, explain ka na kung anong magic na ginawa mo sa’kin at bakit ang whipped ko sa’yo? Sabihin mo na hahaha.

Medyo IA tayong dalawa dito. Hindi rin kita naflex dito. It’s so.. it’s so sayang hayst. Ayos lang hahaha, atleast na kasama kita. Kahit saan man, kahit gaano man kaliit yung memories natin, i-treasure ko pa rin. I love you mostest!

Love, your Jaemin


To my Xyrill,

Ang ingay natin sa mundong ito hahaha. Ang saya dito sa UPP, swear. Sa mundong may Xymone at Samantha, ay Xyrill at Samuel pala hahahaha. Ang daming nangyari dito. Nung sa Lakan at Lakambini sa opening, grabe yung kaba hahaha. First world ata ‘to na sinabihan mo’ko kung anong reason sa MD mo. Sa totoo, hindi ko talaga alam anong gagawin ko nun ih. Hindi ako magaling magcomfort, hindi rin ako magaling magbigay ng advice kaya.. yeah hahaha.

Dito nangyari yung first “Plawer Friday”. Paano nangyari yun? Nagmention ka ata about plawers tapos plawer shop, ewan hahaha. Hindi ko rin alam kung paano ko talaga naisip yung Plawer Friday hahahaha basta. You can count on me to give you plawers every Plawer Friday, I’ll try my very best not to miss it; or whenever na gusto mo ng plawers, sabihin mo lang ako tapos boom hahaha may plawers ka na agad. Always know na I’m here for you, always yan. I will always be here for you, bub. I love you most!

Love, your Samuel